Tuesday, 27 November 2018

translacion


“Ang kawalan ng pagmamahal sa kababayan at sa sariling musika ay walang pinagkaiba sa isang bingi na nakatira sa mundong binubuhay ng mga kanta.”

ang dapat mabatid ng mga malalayong magulang

Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at tahanan. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang nagturo sa’ting gumapang at maglakad. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang nagturo sa atin kung paano magsulat, magbilang at bigkasin ang abakada. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang gumigising sa atin sa umaga at naghahatid sa paaralan. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang manonood at papalakpak kapag tinawag ang ating pangalan. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang kikilala sa ating mga kaibigan. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang magsasabi ng “anak, kaya mo yan!”. Itinuturo ng katwiran na ang ating mga magulang ang susubaybay sa ating mga paglaki at mga pagkabigo sa buhay. Itinuturo ng katwiran na tayong mga anak ay laging malapit sa puso ng magulang.

Los Banos Interlude I

(ni Juaniyo Arcellano)

Related image
[pagsasalin]
Marahil ngayong gabi lang.
Lumilipas ang mga buwan na tila mga kamaong winawagayway
Ang ihip ng hanging bumabagabag sa mga dahon,
ang tulog na magtatagal ng isang libong taon
Ang babaeng dumudungaw sa may bintana nagbubulalas,
“ang mundo’y lagi na lang nagkukulay abo sa ganitong oras...
at sa lumang akalang sapat na ang ating mga salita upang tayo’y maligtas”

[tugon]
Marahil ang babaeng dumudungaw,
Ay ang babaeng natulog nang isang libong taon
Inakalang sapat na ang mga salita,
Kahit na ang mundo’y nagkukulay abo


Marahil ang babaeng natulog
Ay ang babaeng nagwagayway ng kamao
Lumipas ang mga dahon at buwan
At sa huli ang mundo’y nagkulay abo